Friday, December 16, 2011

Anong Latest?

Anong latest na nga ba sa ating teknolohiya lalo na sa mga ginagamit natin sa araw-araw?

Maliban sa mga computer ay pag-uusapan din natin dito ang tungkol sa mga sumusunod. Kung ano ito at ang mga termino na kailangang malaman upang maiintindihan ang mga gamit na ito.

1. Home Theater
           - flat-panel HDTV
           - LCD, LED-LCD, Plasma HDTV
           - Audio/Video Receiver
           - Streaming
           - Smart TV
           - 3D
           - Inputs/Outputs Connection
           - Wireless HT(Home Theater)
           - Blu-Ray Disc Players

2. Digital Imaging
           - GPS-Enabled Cameras
           - Compact System Camera
           - Megapixels & Camcorder Video
           - Some new words/terms in digital imaging
           - Accessories

3. Portable Devices
           - Mobile Phones
           - Tablets
           - Mobile Broadband
           - Accessories

4. Appliances

5. Gaming, Media & more

Monday, October 17, 2011

Mga Bagong Termino sa Kompyuter

Maraming termino ang nadagdag sa mundo ng kompyuter lalo na sa pangkasalukuyan.

Makakatulong ang mga maiikling paliwanag lalo na sa mga baguhan sa kompyuter at para sa mga taong nag-aaral at mga may balak na bumili ng bagong computer.

Broadband - Ito ang isang kailangan ng isang kompyuter upang makakonekta sa internet. Isang koneksyon ito sa network lalo na sa internet na nagbibigay ng mabilis na koneksyon(high-speed). Kadalasan ito ay nagmumula sa binabayaran natin na tinatawag na mga internet provider. Kadalasan na rin natin na maririnig ang termino na DSL(Digital Subscriber Line) kapag pinag-uusapan ang koneksyon ng komputer sa internet. Ang pinag-uusapan na bilis dito ay kadalasang 3 hanggang 8 Mbps(Mega bits per second).

DSL(Digital Subscriber Line) - Isang teknolohiya ito ng komunikasyon upang makakonekta ng mabilis ang komputer na dumadaan sa telepono sa bahay. Ang teknolohiya na ito ay isang paraan upang magkaroon ng tuloy-tuloy na koneksyon ng komputer sa mundo ng internet na hindi naabala ang normal na paggamit sa telepono.

Bluetooth - Isang teknolohiya na napapailalim sa wireless na kung saan puwedeng makakonekta ang mga elektronikong gamit katulad ng kompyuter, printer, digital camera, cellphone, at marami pang iba ngunit sa malapitan lamang(short-range).

HDMI(High-definition multimedia interface) - Parte ng mga bagong kompyuter ito na kung saan puwedeng maikabit ang komputer sa isang HD(high-definition) na isang monitor o display at kadalasan ito sa mga bagong telebisyon na tinatawag na HDTV(mga flat TV kadalasa ang mga ito). Kapag ginamit ito sa pamamagitan ng espesyal na kable na tinatawag na HDMI cable ay naipapadala ng kompyuter sa telebisyon(HD) ang video at audio.

Ethernet - Isang teknolohiya na tinatawag sa ilalim ng Local Area Network(LAN) na kung saan ang isang kompyuter ay puwedeng makonekta sa malaking network na gumagamit ng isang kable(LAN cable).

RAM(Ramdom Access Memory) - Isang klase ito ng memory sa loob ng kompyuter na ginagamit na di-permanenteng taguan ng mga datos o files sa pagitan ng CPU at mga hardware. Dito sinasabi na kung malaki ang RAM ay magiging mabilis din ang takbo ng mga ginagawa sa loob ng computer. Kadalasan ay pinag-uusapan ito sa sukat na 2GB(Gigabytes) sa pangkaraniwang kompyuter sa pangkasalukuyan.

Itutuloy po....

Friday, October 14, 2011

Ano ang USB(Universal Serial Bus) Flash Drive

Makikita sa litrato sa ibaba ang iba't-ibang klase ng mga USB Flash Drive, USB cable, at USB port(ang suksukan sa mga kompyuter).


Ang USB(Universal Serial Bus sa English) ay isang napagkasunduang standard noong 1990 para sa mga kable, konektor, at protokol na ginagamit sa pag-konekta, komunikasyon at pagbigay ng koryente sa pagitan ng mga kompyuter at iba-ibang elektronikong mga gamit.

Sa madaling salita lahat na makikita ninyo na may ganitong pang-konekta sa mga kompyuter at ibang elektronikong gamit at tinatawag na isang USB cable/konektor.

Thursday, October 13, 2011

Paano magbukas at mag-save ng mga dokumento, musika, video, at litrato sa kompyuter

Para sa mga baguhan sa paggamit ng kompyuter ay napakahalaga na matutunan ang kung paano maglagay o magtago ng mga dokumento at litrato sa loob ng kompyuter. At kasabay na rin ang matutunan ang pagbubukas ng mga ito.

Ang mga files sa loob ng computer ay parang isang steel cabinet din sa bahay o sa opisina. Na kung saan ay may laman itong mga folders upang maging maayos ang pagkakatago ng mga dokumento o anuman mga importanteng papeles.

Wednesday, October 12, 2011

Pagdating ng Panahon Hi-tech na Bakasyon

Isipin lang natin na dahil sa bilis ng teknolohiya ay baka abutin pa natin ang ganitong klase ng pagbibiyahe sa ating buhay.

Kaya ang masasabi ko lang sa ngayon ay talagang mabuti na ang mag-aral tayo ng mga paggamit lalo na nang kompyuter.

Talagang sa totoo lang sa ngayon ay umiikot ang mga transactions sa loob ng internet. Halimbawa na lamang ang mga pagbabayad ng mga resibo sa koryente, tubig, telepono, tiket sa eroplano, at marami pang iba.

Halos lahat naman ng makabagong teknolohiya ay umiikot sa mundo ng pangkaraniwang kompyuter kaya patuloy lang tayo sa ating pagbabasa at pag-aaral katulad ng mga itinuturo dito.

Wednesday, September 28, 2011

Ano ang Internet


Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba't-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable(wireless) na kung saan ang mga iba't-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko.

Saturday, September 24, 2011

Ano ba ang tablet computer


Dahil sa sobrang bilis ng mga pagbabago sa teknolohiya ng mga kompyuter. Ating pag-usapan ng maiikli lamang muna ang tinatawag na tablet computer.


Kung sa Pinoy ang tawag sa toothpaste ay Colgate sa ngayon ang tawag naman sa tablet computer ay IPAD(kahit napakaraming klase ng tablet computer).


Sa ating pag-aaral sa paggamit ng pangkaraniwang kompyuter(desktop o laptop). Ang paggamit ng tablet computer ay magiging mabilis na lamang. Ang isang napakagandang aspeto ng tablet computer ay ang tinatawag na touchscreen(kung saan puro pindot lang ng daliri ang ginagamit, wala ng mouse).

Ano ba ang PC



Ang PC ay nagmula sa mga salitang personal computer. Ito yung mga kompyuter na ginagamit lamang na pansarili lalo na sa mga sariling bahay. Wala pang laptop noong araw kaya masasabing ang laptop ay isang PC rin dahil ang nagagawa ng isang laptop ay pareho rin ng isang PC. Ngunit nagkaroon na ng kani-kanilang pangalan ang mga PC, puwede na itong tawagin na desktop o laptop.

Friday, September 23, 2011

Paglabas o pagsasara sa nakabukas na window o programa

Sa isang baguhan sa paggamit ng mga programa ng kompyuter ay napakahalagang matutunan ang paglabas o pagsasara ng mga windows o programa na tapos ng gamitin.

Pero siguraduhin lang kung may mahalagang isinulat o dokumento na gustong itago sa loob ng kompyuter na i-save ang ginawa.(Ituturo ito sa susunod na mga leksyon).

Kung wala namang kailangan na i-save o itago sa loob ng komputer at kadalasan ay nagbasa lang sa internet ay ganito ang paglabas o pagsasara ng isang window o programa na nakabukas.

Paano gamitin ang kompyuter keyboard


Kung nakagamit kayo ng isang typewriter noong araw halos pareho lang ang paggamit ng keyboard ng kompyuter.

Mas mainam na pag-aralan ang paggamit sa pamamagitan ng pagtipa at pagsusulat upang madiskubre ang mga gamit ng bawat partes.

Naito ang mukha ng isang pangkaraniwang kompyuter keyboard.

Thursday, September 22, 2011

Ang paggamit ng 'how to'


Napakahalaga ng salitang 'how to' sa paghahanap sa internet na mga gustong mabasa o matutunan.

Paano gamitin ang kompyuter mouse



Halos lahat ng kompyuter na gumagamit ng mouse ay may nakikitang gumagalaw na parang sibat(curser) sa screen ng monitor. Kapag ginagalaw ang mouse ay gumagalaw din ang parang sibat. Kapag naandun na ang parang sibat sa gustong lugar ay pindutin lang sa pamamagitan ng nasa kaliwang bahagi ng mouse at lalabas na sa monitor ang nais na makita o mabasa.

Tumatanda na ang mga 'baby boomers'

Ang mga 'baby boomers' ay ang mga taong ipinanganak simula sa taong 1954 at pataas. At lumaki noong panahon na 1960 hanggang sa 1970 at patuloy na nabubuhay sa panahon ngayon.

Napakaraming pangyayari at pagbabago sa mundo ang nakita at naranasan ng mga baby boomers lalong-lalo na sa mundo ng teknolohiya.

URL - Isang paraan ng panghanap ng kailangan sa internet

Ang URL ay Uniform Resource Locator.

Sobrang malawak ang internet at ang paggamit ng URL ang isang napagkasunduan na paraan upang maging maayos ang lahat ng nasusulat sa loob ng internet.

WiFi - Ang pangkonekta sa Internet


Ang WiFi (pagbigkas ay WaiFai) ay nagmula sa salitang Wireless Fidelity noong araw. Ito ay isang mekanismo para makakonekta sa internet na hindi gumagamit ng kable( LAN cable). Naging sikat na ang WiFi sa ngayon dahil halos lahat ay gumagamit nito.

Browsers - Ang panghanap sa Internet


Nasa litrato sa itaas ang pangkaraniwang tinatawag na mga browsers, ang panghanap ng gusto natin sa internet.

Pangkaraniwang klase ng Operating System(OS) ng kompyuter




Ano nga ba ang ibig sabihin ng Operating System o madalas ang tawag ay OS lamang?

Ang Operating System o OS ay ang pinagsama-samang mga programa para sa kompyuter na siyang nagpapatakbo ng mga makina(hardware) at mga programa(application software) upang maging tama at maayos ang takbo ng isang kompyuter sa naisin ng gumagamit na tao.

Pangkaraniwang klase ng kompyuter

Dalawa ang pangkaraniwang klase ng kompyuter na ginagamit sa mga bahay. Ang laptop at desktop na kompyuter.


Ito ang laptop na tinatawag.




At ito naman ang desktop kompyuter.


Halos pareho lang ang nagagawa ng dalawang klaseng kompyuter na ito.

Ang isang malaking pagkakaiba ng dalawa ay puwedeng gamitin kahit saan ang laptop at ang desktop naman ay palagiang nasa isang lugar lang.

Paano tuturuan si Tatay at Nanay sa paggamit ng kompyuter(isang panimula)


Sa aking idad na 55 ay dahan-dahan ko rin na napag-aralan ang mga pasikot-sikot sa mundo ng paggamit ng pangkaraniwang kompyuter. Kahit papaano ay naging mabilis sa akin ang pagsasaliksik dahil nakagamit ako ng kompyuter sa dati kong opisina.

Naisip ko ang mga iba kong maiidad na kaopisina. Halos ayaw na ayaw nilang humawak ng kompyuter at inaasa na lang sa kanilang mga tauhan. Ang naisip ko ay may takot sila sa paggamit ng makabagong teknolohiya at lagi na lang sinasabi na nakakaraos naman sila sa buhay kahit walang kompyuter.

Wednesday, September 21, 2011

Pagtuturo ng Kompyuter

Inaayos pa po ang mga aralin ng kompyuter sa salitang Tagalog.

Pansamantala naito ang isang halimbawa kung bakit kailangan matuto o turuan ang Tatay at Nanay o ang Lolo at Lola ng paggamit ng kompyuter.




Mga leksyon na susunod:


  1. Paano gamitin ang keyboard.
  2. Paano ayusin ang mga files sa kompyuter.
  3. Paano mag hanap ng maayos sa internet.
  4. Paano maglagay ng mga litrato sa kompyuter.
  5. Paano maggawa at mag print sa ginawa sa Word.
  6. Paano tumatakbo ang kompyuter.
  7. Paano gamitin ang Excel.
  8. Paano gumamit ng email.
  9. Paano maging ligtas sa mga virus sa paggamit ng internet.
Palaala: Hindi ko na ituturo ang pagbukas at pag-shutdown(pagpatay) ng inyong kompyuter, siguro naman kahit papaano ay inyong alam na iyon at malamang ay naitanong na ninyo sa inyong mga kasama sa bahay.


Maiikling kuwento sa pinagmulan ng kompyuter:

Noong nagsimula ang kompyuter, ang mga ito ay desenyo lamang upang gamitin ng mga militar sa kanilang operasyon. Pero ngayon ay nagagamit ito sa halos napakaraming bagay lalo na sa mga kanya-kanyang bahay.

1950 - Ito ang taon na nagpasimula ang kumpanyang IBM sa paggawa ng mga kompyuter.

1960 - Ito ang taon na nasimulan ang ideya na pagkonektahin ang mga kompyuter sa buong mundo. Kaya dito nagsimula ang salitang internet.


Magbalik lang po. Salamat!