Computer tutorials in Tagalog and Taglish(Tagalog-English). We are never too old to learn new things. “Twenty years from now you will be more disappointed by the things that you didn’t do than by the ones you do. So throw off the bowlines. Sail away from the safe harbor. Catch the trade winds in your sails. Explore. Dream. Discover. -Mark Twain
Wednesday, September 28, 2011
Ano ang Internet
Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba't-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable(wireless) na kung saan ang mga iba't-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko.
Nabuo ang maayos na pagtakbo ng internet sa pamamagitan ng napagkasunduan na mga batas na kung saan lahat ay dapat nakikiisa upang ang pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe ay maging maayos. Ito ay tinatawag na Internet Protocol(TCP/IP).
Malaki rin ang kinalaman at kahalagahan ng mabilis na komunikasyon dahil dito nakasalalay ang trabaho ng internet ang mapalabas sa kompyuter kaagad ang mga nilalaman ng tinatawag na pahina sa web(world wide web o www). Nasusulat ang mga pahina sa web sa HTML, Java, CSS at iba pa.
Sa panahon ngayon ay hindi na lamang mga kompyuter ang makakakonekta sa internet ngunit lahat na ng mga bagong gamit katulad ng mga tablet computer, mga cellphone, at marami pang iba.
Ang internet kadalasan ay nagagamit pangangalap ng mga mahahalagang impormasyon, sa pagpapadala at pagtanggap ng mga elektronikong sulat(emails) at mga dokumento. Pakikipag-usap na may bidyo katulad ng Skype. Panonood ng mga bidyo katulad ng Youtube at marami pang iba na kung saan nakakapanood ng mga pelikula at palabas sa telebisyon.
Ang mga browsers kadalasan ang ginagamit upang makakonekta ang kompyuter sa internet kapag may koneksyon na sa linya ng komunikasyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hello, world! hello, lolo :)
ReplyDeleteMaraming salamat po sa pagbisita.
ReplyDeletehi. pwede makuha name ng author? for academic purposes lang
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletePwede po malaman ang pangalan ng author para ma cite mo namin kayo sa aming research.
ReplyDeletePwede ko po bang mahingi ang pangalan ng author nito? For educational purposes lang ho. Maraming salamat :)
ReplyDelete.
ReplyDeletename po nag author
ReplyDeletehello sino po author nito para po sa pananaliksik namin. salamat po :)
ReplyDelete