Thursday, September 22, 2011

WiFi - Ang pangkonekta sa Internet


Ang WiFi (pagbigkas ay WaiFai) ay nagmula sa salitang Wireless Fidelity noong araw. Ito ay isang mekanismo para makakonekta sa internet na hindi gumagamit ng kable( LAN cable). Naging sikat na ang WiFi sa ngayon dahil halos lahat ay gumagamit nito.

Kadalasan na itong ginagamit sa ordinaryong bahay lalo na dun sa may laptop na kompyuter na hindi na kailangang gumamit pa ng nakakaabalang kable sa loob ng bahay.

Ang mga lumang desktop kompyuter sa bahay ay kadalasan na gumagamit pa ng makalumang paraan ng pagkonekta sa internet ang paggamit ng kable(ethernet lan cable) na kadalasang nakakabit sa modem/router.

Ang signal ng WiFi ay nahahalintulad sa wireless phone sa pangkaraniyang bahay.

Kadalasan ang isang WiFi network ay nangangailangan ng password upang magamit at hindi magamit ng ibang tao.

No comments:

Post a Comment