Paggawa ng Blog

Ang isang nais ko na matutunan ninyo ay ang paggawa ng isang blog.

Ano nga ba ang isang blog?

Ang blog ay mula sa dalawang salita na web at log. Ito ay isang klase ng website. Kadalasan ang internet ay binubuo ng mga website. Sa panahon ngayon ay napakaraming paraan upang makapagsulat para sa internet at ang isa ngang paraan ay ang maggawa ng isang blog na kadalasan na sinusulat ng isang tao. Ang isang nagsusulat sa blog ay kadalasang tinatawag na blogger. Depende sa kagustuhan at hilig ng blogger ang kanyang mga isinusulat at madalas din na ito ay nagugustuhang artikulo ng mga nakakarami.

Napakagandang isang libangan ang pagsusulat ng isang blog. Lumalabas ang pagiging malikhain natin sa aspeto ng pagsusulat ng isang blog na puwedeng mabasa sa mundo ng internet. At puwede rin na lumawak ang mundo ng pakikipagkaibigan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sariling blog.

Hindi ko pa ngayon ito ituturo pero isa ito sa puwedeng magawa ng mga matutunan sa pag-aaral sa mga itinuturo ng mga leksyon sa blog na ito.

Ang isang halimbawa dito ay ang aking blog na sinulat sa Wordpress. Puwedeng silipin ang blog sa pag-click sa link na ito:

http://superlolongpinoy.wordpress.com/

Ang pagtuturo na ito ay dumaan din sa isang blog. Ito naman ay ginawa sa pamamagitan ng Blogspot.

http://computernilolo.blogspot.com/