Ano nga ba ang ibig sabihin ng Operating System o madalas ang tawag ay OS lamang?
Ang Operating System o OS ay ang pinagsama-samang mga programa para sa kompyuter na siyang nagpapatakbo ng mga makina(hardware) at mga programa(application software) upang maging tama at maayos ang takbo ng isang kompyuter sa naisin ng gumagamit na tao.
Maraming klase ng mga OS. Dalawa lang na sikat muna ang ating pag-uusapan ngayon. Hindi kailangang maging detalye ang pagpapaliwanag.
Nais ko lamang ipaalam ito dahil madalas itong pinag-uusapan kapag gumagamit ng kompyuter.
Ang dalawang sikat na OS ay:
1. Microsoft Windows( ang mga halibawa dito ay Windows XP at Windows 7
2. Mackintosh(kadalasan ang tawag ay Mac OS at ang halimbawa dito ay ang mga kompyuter na gumagamit na gawa ng Apple)
Kung nais nang malawak na paliwanagan sa English ay basahin sa Wikipedia.
No comments:
Post a Comment