Saturday, September 24, 2011

Ano ba ang PC



Ang PC ay nagmula sa mga salitang personal computer. Ito yung mga kompyuter na ginagamit lamang na pansarili lalo na sa mga sariling bahay. Wala pang laptop noong araw kaya masasabing ang laptop ay isang PC rin dahil ang nagagawa ng isang laptop ay pareho rin ng isang PC. Ngunit nagkaroon na ng kani-kanilang pangalan ang mga PC, puwede na itong tawagin na desktop o laptop.

Kung maririnig naman ninyo kung ano naman ang Macs. Masasabing isang PC rin ang mga Macs na komputer na ginawa ng kumpanya na Apple. Muli na lang natin pag-usapan ang mga detalye ng Macs.

Noong araw at kahit sa ngayon ay may mga kompyuter na ang desenyo ay ginagamit sa mga malalaking kompanya kaya ang mga ito ay hindi matatawag na PC. Iba ang pagkakagawa ng mga partes ng malalaking kompyuter kaysa PC dahil ang mga ito ay tumatakbo halos ng tuloy-tuloy(hindi kailangang patayin o i-shutdown). Ang mga halimbawa dito ay ang mga ginagamit sa mga bangko at sa mga nagko-kontrol o naggagabay ng mga eroplano sa mga airport.

No comments:

Post a Comment