Friday, September 23, 2011

Paglabas o pagsasara sa nakabukas na window o programa

Sa isang baguhan sa paggamit ng mga programa ng kompyuter ay napakahalagang matutunan ang paglabas o pagsasara ng mga windows o programa na tapos ng gamitin.

Pero siguraduhin lang kung may mahalagang isinulat o dokumento na gustong itago sa loob ng kompyuter na i-save ang ginawa.(Ituturo ito sa susunod na mga leksyon).

Kung wala namang kailangan na i-save o itago sa loob ng komputer at kadalasan ay nagbasa lang sa internet ay ganito ang paglabas o pagsasara ng isang window o programa na nakabukas.

Gamitin ang FILE na buton sa may kaliwang itaas na bahagi. Pindutin at lalabas ang EXIT. Pindutin lang ang EXIT para magsara o makalabas sa programa o window.



O isang paraan naman ay pindutin lang ang X doon sa may kanang itaas para magsara o makalabas sa programa o window.




Simple lang ito pero sa isang baguhan ay kailangan pa rin makasanayan na gamitin o miintindihan.

Madalas kasi kung maraming nakabukas na mga programa o windows sa monitor screen ay nakakapagbagal ito ng kompyuter habang ginagamit.

No comments:

Post a Comment