Thursday, September 22, 2011

Browsers - Ang panghanap sa Internet


Nasa litrato sa itaas ang pangkaraniwang tinatawag na mga browsers, ang panghanap ng gusto natin sa internet.

Ang pangkaraniwang ginagamit na madalas ng mga tao ay ang Google o Google Chrome na browser.


Kaya kapag nakakita kayo ng simbolo ng bola(nakasulat sa ilalim ay Chrome) na may kulay sa paligid na berde, pula, dilaw at sa gitna na asul ay inyong pindutin lamang upang magbukas ang programa na iyon upang magamit sa paghahanap sa internet.

Kadalasan ay doon sinusulat sa bakanteng kahon sa gitna ang gustong hanapin. Halimbawa na gusto ninyong hanapin ay ang 'Computernilolo'. Isulat lang sa pamamagitan ng keyboard at pindutin ang Google Search. At mamili sa lalabas sa monitor ang gustong basahin.

Iyan muna at magpraktis sa paggamit ng browser ng Google.

No comments:

Post a Comment