Showing posts with label new technologies. Show all posts
Showing posts with label new technologies. Show all posts

Friday, April 13, 2012

Paano gumawa ng libre at sariling Radio Broadcast

Katatapos ko lang gumawa ng sariling Istasyon ng Radyo sa internet. At sa ngayon ito ay inoobserbahan ko pa kung talagang maganda ang takbo.

Kung tunay na mahilig kayo at pangarap ninyo ang ganitong teknolohiya, may mga libre pala at maraming nagtuturo sa mundo ng internet. Isang nakakatuwang libangan ang maggawa ng programa sa isang radio broadcast na pwedeng marinig kahit saan panig ng mundo basta may internet.

Ang ginamit kong mga programa ay ang listen2myradio.com, WinAmp, at Shoutcast. Sa website ng listen2myradio.com ay andun ang paraan ng pagbubuo ng isang radio broadcast.

Kaya kapag nakita ko na maayos talaga ang takbo nito ay ilalagay ko ang paraan ng paggawa ng sariling istasyon ng radyo sa internet.

Sa ngayon ay subukan natin ang Radyo na ito. Naito ang link sa aking istasyon ng radyo:




Kung talagang interesado naito ang paunang paliwanag sa english.


Isasalin ko ito sa tagalog next time.

Wednesday, March 28, 2012

Paano maglagay ng ebook sa tablet


Sa panahon ngayon ay usong-uso na ang paggamit ng tablet(dati nang pina-usapan dito).

Napakaraming klase ng mga tablet at iba't-iba rin ang mga paraan ng paggamit lalo na ng pagsasalin ng mga libro o ebook na puwedeng mabasa sa tablet.

Ang pag-uusapan natin dito ay ang pangkaraniwan na paraan pero kung may rekomendasyon ang nabiling tablet ay mabuti iyon ang sundin. Ang aking paraan na suhestiyon ay generic ika nga sa mga pangkaraniwang mga tablet katulad ng Kindle Fire(na aking ginagamit) at Lenovo Idea Pad(na gamit ng aking pamangkin).

Siyempre importante ang paggamit ng USB cable sa pagitan ng tablet at kompyuter na panggagalingan ng mga librong gustong ilipat sa tablet. Kadalasan ay kasama ito sa biniling tablet.



Una ay kailangang mag-download ng mga gustong basahin na libro o ebook sa kompyuter mula sa internet. May mga suhestyon ako na puweng panggalingan ng mga libreng ebook. Marami din nabibili o may bayad na ebook pero ang pag-uusapan natin dito ay ang mga libre lang muna.

Ang mga sumusunod ang puwedeng pagkunan ng mga libreng ebook sa internet:






Marami pa ang listahan pero sa ngayon ay yan lang muna para pasimula na paghahanap ng mga gustong libro na basahin sa tablet.

Pangalawa, gagamit tayo ng libreng programa sa computer para siyang mag-manage at mag-convert ng mga libro o ebook na gustong ilagay sa tablet. Kadalasan kasi ay may kanya-kanyang format ang puwede lang ilagay sa nabiling tablet. Kaya ang trabaho ng libreng programa na ito ay i-convert ang format ng nakuhang libro o ebook mula sa internet sa nararapat na format katulad ng (.epub, .mobi....). At kadalasan ang format ng nakukuhang libro o ebook sa internet ay PDF kaya kailangan itong isalin sa maayos na format para tumakbo at mabasa sa sariling tablet. Ang libreng programa na ito ay ang Calibre, na puwedeng makuha sa internet.

Naito ang link sa Calibre: http://calibre-ebook.com/   (Palagiang i-scan ang mga idina-download na mga programa mula sa internet bago ito patakbuhin.) Pindutin lamang ang download at tuloy-tuloy na iyon para sa maayos na paglalagay sa inyong kompyuter.

At naito naman ang napakalinaw na paraan sa paggamit ng Calibre. Kaya lang nasusulat sa english. Marapatin na magtanong lamang kung kinakailangan. Gamitin lamang ang comments sa artikulo na ito para sakali kung may katanungan.


Magagamit ang programa na Calibre sa paglipat ng ebook sa tablet at pagsalin sa naayon na format na gusto ng sariling tablet.


Paalaala: Palagiang maging maingat kapag nag-iikot sa internet siguraduhin na may anti-virus na tumatakbo sa computer. Siguraduhin mabuti na malinis na mga website ang pinupuntahan sa internet. At kung kinakailangan ay i-scan muna palagi ang mga bagay na kinukuha mula sa internet.

Ang mga suhestiyon na mga links at programa ay ginagamit ko rin na mula sa mga suhestiyon ng mga kilalang mga website. Katulad ng:

http://www.freewaregenius.com/2010/07/26/calibre-a-single-place-to-view-tag-and-manage-your-ebook-collection/

Salamat po.

Friday, December 16, 2011

Anong Latest?

Anong latest na nga ba sa ating teknolohiya lalo na sa mga ginagamit natin sa araw-araw?

Maliban sa mga computer ay pag-uusapan din natin dito ang tungkol sa mga sumusunod. Kung ano ito at ang mga termino na kailangang malaman upang maiintindihan ang mga gamit na ito.

1. Home Theater
           - flat-panel HDTV
           - LCD, LED-LCD, Plasma HDTV
           - Audio/Video Receiver
           - Streaming
           - Smart TV
           - 3D
           - Inputs/Outputs Connection
           - Wireless HT(Home Theater)
           - Blu-Ray Disc Players

2. Digital Imaging
           - GPS-Enabled Cameras
           - Compact System Camera
           - Megapixels & Camcorder Video
           - Some new words/terms in digital imaging
           - Accessories

3. Portable Devices
           - Mobile Phones
           - Tablets
           - Mobile Broadband
           - Accessories

4. Appliances

5. Gaming, Media & more