Para sa mga baguhan sa paggamit ng kompyuter ay napakahalaga na matutunan ang kung paano maglagay o magtago ng mga dokumento at litrato sa loob ng kompyuter. At kasabay na rin ang matutunan ang pagbubukas ng mga ito.
Ang mga files sa loob ng computer ay parang isang steel cabinet din sa bahay o sa opisina. Na kung saan ay may laman itong mga folders upang maging maayos ang pagkakatago ng mga dokumento o anuman mga importanteng papeles.
Upang makita ang mga nilalaman ng kompyuter na ginagamit ay i-click(right click ng mouse) ang START na buton sa ibabang kaliwang bahagi at lalabas ang makikita sa litrato sa baba. At muling i-click(left click ng mouse) ang may nakasulat ng Explore.
At kapag na click ang Explore ay lalabas ang litrato sa baba.
Sa mga baguhan sa kompyuter ay pwedeng pag-aralan ang mga nilalaman ng may mga simbolo na + . I-click(left click ng mouse) lamang ang simbolo na + at may lalabas pang mga laman iyan na tinatawag na mga folders na katulad sa makikita sa ibaba na litrato. Kadalasan ang mga makikita sa ibaba ay nasa loob ng + My Documents.
Sa atin kasing pangkaraniwang buhay ay nahahati ang mga dokumento sa sumusunod:
1. Mga Importanteng Papeles
2. Mga Litrato
Pero dahil sa pangkasalukuyang teknolohiya ay puwede na ring itago sa loob ng computer ang mga sumusunod:
1. Mga Musika(kadalasan ay tinatawag ng mga MP3 music)
2. Mga Videos(kadalasan ay nagmula sa makabagong teknolohiya ng mga Digital Camera)
Kung baguhan pa lamang sa paggamit ng kompyuter ay suhestiyon ko ang pag-aralan muna ang pagbubukas at pagsasara ng mga nabanggit na mga folders.
Sa susunod na artikulo ay ang aktuwal na pagtatago ng mga dokumento at litrato.
No comments:
Post a Comment