Friday, September 23, 2011

Paano gamitin ang kompyuter keyboard


Kung nakagamit kayo ng isang typewriter noong araw halos pareho lang ang paggamit ng keyboard ng kompyuter.

Mas mainam na pag-aralan ang paggamit sa pamamagitan ng pagtipa at pagsusulat upang madiskubre ang mga gamit ng bawat partes.

Naito ang mukha ng isang pangkaraniwang kompyuter keyboard.


Upang makapagpraktis sa pagtipa ay gamitin ang Microsoft Word.


1. Pindutin ang Start na makikita kadalasan sa mababang kaliwang gilid ng screen ng monitor.

2. Hanapin at pindutin ang Microsoft Word na kadalasan ay may simbolo na malaking W.


3. Ganito ang bubukas na window sa harap ng monitor ang Microsoft Office Word na programa.


4. Puwede nang magpraktis sa pagtipa sa keyboard sa pamamagitan ng pagsusulat.

Sa susunod na leksyon ko ituturo ang paggamit ng mga ibang buton sa programa ng Microsoft Office Word. At ganun din ang pag-save ng ginawa sa loob ng kompyuter.

No comments:

Post a Comment