Computer tutorials in Tagalog and Taglish(Tagalog-English). We are never too old to learn new things. “Twenty years from now you will be more disappointed by the things that you didn’t do than by the ones you do. So throw off the bowlines. Sail away from the safe harbor. Catch the trade winds in your sails. Explore. Dream. Discover. -Mark Twain
Thursday, September 22, 2011
Paano tuturuan si Tatay at Nanay sa paggamit ng kompyuter(isang panimula)
Sa aking idad na 55 ay dahan-dahan ko rin na napag-aralan ang mga pasikot-sikot sa mundo ng paggamit ng pangkaraniwang kompyuter. Kahit papaano ay naging mabilis sa akin ang pagsasaliksik dahil nakagamit ako ng kompyuter sa dati kong opisina.
Naisip ko ang mga iba kong maiidad na kaopisina. Halos ayaw na ayaw nilang humawak ng kompyuter at inaasa na lang sa kanilang mga tauhan. Ang naisip ko ay may takot sila sa paggamit ng makabagong teknolohiya at lagi na lang sinasabi na nakakaraos naman sila sa buhay kahit walang kompyuter.
Tama iyon na di naman kailangang magbabad sa harap ng kompyuter buong maghapon. Wala pa ring makakapalit sa kaligayahan sa pakikihalubilo sa mga tao at kaibigan. Pero makakatulong ang kompyuter upang maabot ang malalayong mahal sa buhay at kaibigan sa pamamagitan ng internet.
Para sa akin ay napakaraming bagay ang matutunan sa paggamit ng computer na hindi naman kailangang maging eksperto sa paggamit ng kompyuter.
Ang gagamitin kong paraan ay ang pagtuturo muna ng isang anak o kasama sa bahay na nakakaintindi ng paggamit ng kompyuter. Ang mga susunod ay pwedeng masundan na dito sa blog na ito.
Ang aking mga paunang suhestiyon:
1. Maging malumanay sa pagtuturo sa ating mga magulang o mga Lolo at Lola. Parang nagtuturo ka sa isang kapatid o magulang ng pagmamaneho. Maraming di puwede at pwedeng gawin.
2. Pabayaang silang magtanong sa paggamit ng bawat partes ng kompyuter.
3. Una ay pabayaang silang gumamit ng mouse. Ituro ang tatlong bahagi ng mouse:
a. Ang left-click
b. Ang gitna, ang pang scroll
c. Ang right-click
Paalala lang kung laptop ang gagamitin ay sana kabitan muna ng mouse. Mas mabilis kasi ang paggalaw sa paggamit ng mouse kaysa mousepad
4. Turuan silang magbukas ng isang program katulad ng Microsoft Word. Turuan sila sa paggamit ng keyboard at mga paggamit ng Word. Mabutihin gabayan sila sa kanilang mga pagkakamali sa paggamit ng Word. Pabayaang silang magtipa ng magtipa upang makabuo ng mga salita. Pwede rin silang turuan hanggang sa pag-print sa printer ng kanilang sinulat.
5. Isang paalala muli na kailangan ay nasaisip natin na hinay-hinay lang sa pagtuturo at huwag silang mabilisin dahil siguradong malilito lamang sila. Hindi na sila katulad ng mga bata na napakabilis matuto.
6. Pwede rin bigyan na maiigsing pagtuturo sa paggamit ng Internet katulad ng pagbubukas ng isang browser(halimbawa ay Firefox, Internet Explorer, Google Chrome).
7. Kung medyo nalilibang sila ay turuan silang gumawa ng email address.
8. Yan muna at palagiang maging mahinahon sa pagtuturo.
Naisipan ko ang ganitong pagtuturo upang maging mabilis kahit papaano ang mga unang leksyon. At kapag nakakapagsarili na sila sa paggamit ng kompyuter ay palagay ko ay unti-unti na nilang maiintindihan ang mga gusto kong ipagawa sa mga leksyon mula sa blog na ito.
Maging masaya sana ang ating ugali sa pagtuturo sa ating mga mahal sa buhay.
Nais ko pong gamitin ninyo ang komento sa artikulo na ito upang malaman ko ang maayos na pagtuturo o kung may katanungan.
O sulatan ninyo sa aking email: ateneo1973[AT]gmail[DAT]com
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment