Saturday, September 24, 2011

Ano ba ang tablet computer


Dahil sa sobrang bilis ng mga pagbabago sa teknolohiya ng mga kompyuter. Ating pag-usapan ng maiikli lamang muna ang tinatawag na tablet computer.


Kung sa Pinoy ang tawag sa toothpaste ay Colgate sa ngayon ang tawag naman sa tablet computer ay IPAD(kahit napakaraming klase ng tablet computer).


Sa ating pag-aaral sa paggamit ng pangkaraniwang kompyuter(desktop o laptop). Ang paggamit ng tablet computer ay magiging mabilis na lamang. Ang isang napakagandang aspeto ng tablet computer ay ang tinatawag na touchscreen(kung saan puro pindot lang ng daliri ang ginagamit, wala ng mouse).


Halos masasabing isang PC rin ang tablet computer kaya lang ay limitado ito sa mga magagawa ngunit ang mga pangkaraniwang nagagawa ng PC ay kayang-kaya ng tablet computer. Katulad ng konekta sa internet, pakikinig ng mga musika, at panonod ng mga videos. Sikat din ang tablet computer sa pagbabasa ng mga ebook(muling pag-uusapan sa bandang huli).

Ang pangkaraniwang mabibili sa merkado na tablet computer ay ang mga Apple Ipad at Samsung Galaxy Tab.


Sa aking tingin ay magiging sikat na sikat ang mga ito sa darating pang ilang taon dahil ito na ang mga pumalit sa netbook(maliliit na laptop).

At magiging gamit na rin ng mga matatanda dahil ito ang mga bagay na magiging magandang regalo ng mga anak sa kanilang mga magulang

No comments:

Post a Comment