Tungkol sa Akin





Sa aking pag-iikot sa mundo ng internet ay napansin ko na walang nagsulat para magturo ng kompyuter sa salitang Tagalog.

Medyo may kahirapan ang aking paksa dahil halos ang lahat ng salita sa mundo ng kompyuter ay nasusulat sa salitang banyaga, sa English.

Isang pagsubok ang aking balakin na ito na nagbibigay ng pagpapahalaga sa mga matatandang Pinoy na nangangailangan ng gabay para matuto sa paggamit ng kompyuter. Sigurado ako sa panahon ngayon na kahit isa ay may kompyuter sa bahay. Pagtulungan natin na maturuan ang mga mahal sa buhay sa paggamit ng kompyuter.

Nais ng blog na ito na maabot ang mga nakakaraming Pinoy sa lahat ng sulok ng daigdig na matuto sa paggamit ng makabagong teknolohiya lalo na ng kompyuter.

Sana ay maturuan natin at magabayan ang ating mga mahal sa buhay at hindi na lamang madalas silang iniiwan na nanunuod na lamang sa harap ng telebisyon. Napakaraming bagay na napakakaganda ang mababasa at matutunan sa paggamit ng kompyuter lalo na sa internet.

Ang sabi nga...."We are never too old to learn new things."


Ilang suhestiyon upang maging matagumpay sa pag-aaral ng kompyuter:


1. Maging pasensiyoso o pasensiyosa habang nag-aaral tungkol sa paggamit ng kompyuter.


2. Palagiang humimgi ng tulong sa mga nakakaintindi sa bahay lalo na sa mga bagay na di na masyado maintindihan kahit may mga nasusulat na mga bagay.


3. Huwag magmabilis, hinay-hinay lang muna sa pagdiskubre ng mga magagawa ng kompyuter.


4. Magprkatis mabuti upang hindi makalimutan ang mga napag-aaralan. Ang sabi nga " Practice makes
perfect".


5. Hindi lang puro aral ang kompyuter, marami rin na mga bagay na magagamit ang kompyuter para maging masaya lalo na kung pag-uusapan ay musika, mga laro at mga magagandang mapapanood na mga palabas.

6. Isipin palagi na maraming kapupulutan na aral kung matutunan ang tamang paggamit ng isang kompyuter.




Tatanggapin ko ng maluwag ang lahat ng mga puna upang maitama at mapagbuti ang mga paksang may pagkakamali.

Maraming salamat po sa inyong lahat.


Katutubong Pinoy