Thursday, September 22, 2011

Paano gamitin ang kompyuter mouse



Halos lahat ng kompyuter na gumagamit ng mouse ay may nakikitang gumagalaw na parang sibat(curser) sa screen ng monitor. Kapag ginagalaw ang mouse ay gumagalaw din ang parang sibat. Kapag naandun na ang parang sibat sa gustong lugar ay pindutin lang sa pamamagitan ng nasa kaliwang bahagi ng mouse at lalabas na sa monitor ang nais na makita o mabasa.



Ang gitna ng mouse na may parang maliit na gulong na napapaikot ay ang pang scroll(pababa o pataas) ng mga pahina na binabasa sa loob ng browser o ibang programa na nakabukas.

Ang nasa kanan naman na pindutan ay may mga nakasulat na lalabas sa monitor  at puwedeng i-click sa gustong gawin sa window.

No comments:

Post a Comment