Ang diksyonaryo na ito ay gagamitan ng mga litrato upang maipaliwanag ang salita sa kompyuter.
Kompyuter (kasama sa litrato ang pangkaraniwang kasama sa isang kompyuter ang mga Monitor, System Unit o CPU, Keyboard at Mouse)
Keyboard
Browser - Ito ang ginagamit upang makapag-ikot(surfing) sa internet. Kadalasan na mga ginagamit ay Internet Explorer, Mozilla Firefox, at Google Chrome. Hanapin lang ang mga simbolo sa ibaba sa inyong kompyuter at gamitin iyon para makapasok sa mundo ng internet.
Paalala lang na bahagyang mag-ingat sa pag-ikot sa internet lalo na sa mga hindi pamilyar na mga website dahil madalas ay doon nakakapasok ang mga virus(mga programa na sumisira sa normal na takbo ng isang kompyuter). Mag-ingat lamang po palagi at magtanong sa mga kasama sa bahay na nakakaintindi sa paggamit ng kompyuter.
Microsoft Office Word
Mouse (iba't-ibang klase ng mga mouse)
Laptop
Desktop
Virus - Programa o mga programa na sumisira sa normal na takbo ng isang kompyuter.
Ituturo sa mga susunod na artikulo.
Inaayos pa po.
Internet - Ang internet ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba't-ibang klase ng telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang komunikasyon na hindi gumagamit ng kable(wireless) na kung saan ang mga iba't-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa ng publiko.
USB
Ang USB(Universal Serial Bus sa English) ay isang napagkasunduang standard noong 1990 para sa mga kable, konektor, at protokol na ginagamit sa pag-konekta, komunikasyon at pagbigay ng koryente sa pagitan ng mga kompyuter at iba-ibang elektronikong mga gamit.
USB Flash Drive - Sa madaling salita ang USB Flash Drive ay isang taguan ng mga files na gumagamit ng teknolohiya ng USB. Ang mga files o dokumento dito ay puwedeng burahin. Palaki na ng palaki ang kapabilidad ng mga USB Flash Drive kung pag-uusapan ang sukat na maitatago o mailalagay sa loob nitong mga files o dokumento.
Broadband - Ito ang isang kailangan ng isang kompyuter upang makakonekta sa internet. Isang koneksyon ito sa network lalo na sa internet na nagbibigay ng mabilis na koneksyon(high-speed). Kadalasan ito ay nagmumula sa binabayaran natin na tinatawag na mga internet provider. Kadalasan na rin natin na maririnig ang termino na DSL(Digital Subscriber Line) kapag pinag-uusapan ang koneksyon ng komputer sa internet. Ang pinag-uusapan na bilis dito ay kadalasang 3 hanggang 8 Mbps(Mega bits per second).
DSL(Digital Subscriber Line) - Isang teknolohiya ito ng komunikasyon upang makakonekta ng mabilis ang komputer na dumadaan sa telepono sa bahay. Ang teknolohiya na ito ay isang paraan upang magkaroon ng tuloy-tuloy na koneksyon ng komputer sa mundo ng internet na hindi naabala ang normal na paggamit sa telepono.
Bluetooth - Isang teknolohiya na napapailalim sa wireless na kung saan puwedeng makakonekta ang mga elektronikong gamit katulad ng kompyuter, printer, digital camera, cellphone, at marami pang iba ngunit sa malapitan lamang(short-range).
HDMI(High-definition multimedia interface) - Parte ng mga bagong kompyuter ito na kung saan puwedeng maikabit ang komputer sa isang HD(high-definition) na isang monitor o display at kadalasan ito sa mga bagong telebisyon na tinatawag na HDTV(mga flat TV kadalasa ang mga ito). Kapag ginamit ito sa pamamagitan ng espesyal na kable na tinatawag na HDMI cable ay naipapadala ng kompyuter sa telebisyon(HD) ang video at audio.
Ethernet - Isang teknolohiya na tinatawag sa ilalim ng Local Area Network(LAN) na kung saan ang isang kompyuter ay puwedeng makonekta sa malaking network na gumagamit ng isang kable(LAN cable).
RAM(Ramdom Access Memory) - Isang klase ito ng memory sa loob ng kompyuter na ginagamit na di-permanenteng taguan ng mga datos o files sa pagitan ng CPU at mga hardware. Dito sinasabi na kung malaki ang RAM ay magiging mabilis din ang takbo ng mga ginagawa sa loob ng computer. Kadalasan ay pinag-uusapan ito sa sukat na 2GB(Gigabytes) sa pangkaraniwang kompyuter sa pangkasalukuyan.