Isang napakahalaga ngayon sa modernong buhay ay ang maglipat ng mga litrato mula sa digital camera at smartphone(cellphone na smart) sa kompyuter para maitago ito ng permanente o mai-print sa printer.
Sa mga bagong kompyuter o laptop, kasama na ang mga tablets, ang isang pangkaraniwan na paraan ay ang paggamit ng USB cable na kadalasan ay kasama sa pagkakabili ng digital camera.
|
USB cable(ito ang parte na ikinakabit sa kompyuter). Sa kabilang dulo ng kableng ito ay may maliit na konektor na ikinakabit sa digital camera.
Kadalasan ay hindi na kailangan ang ispesyal na programa para mailipat ang mga litrato mula sa digital camera. Pero kung medyo may kalumaan ang kompyuter na ginagamit minsan ay kailangan ang ispesyal na programa.
Una, kapag ililipat na ang mga litrato mula sa digital camera ay ikabit lamang ang angkop na USB cable sa camera at sa kompyuter(sa angkop na saksakan na USB port sa kompyuter/laptop).
Pangalawa, kapag magkakabit na ang digital camera at kompyuter ay kadalasan ay may lalabas na sasabihin sa harap ng kompyuter na magsasabi kung ano ang gustong gawin. Para sa akin ay mas maganda na gamitin ang Explore mula sa pagpindot ng Start(may arrow sa litrato).
Pangatlo, kapag napindot na ang Explore ay pindutin naman ang My Computer at makikita ang kahawig sa ibaba.
Sa ilalim ng My Computer ay makikita ang ikinabit na digital camera at kapag pinindot ang litrato na may digital camera ay lalabas sa screen ng litrato ang mga mukha ng mga kinunan na litrato. Dito magagamit ang salitang drag and drop.
Pang-apat, pindutin lamang ang My Documents( katulad ng nasa litrato sa itaas) at makikita ang My Pictures.
Panglima, i-drag and drop lamang ang mga litrato papunta sa My Pictures.
Kapag nailipat na ang mga litrato sa My Pictures ay puwede na rin na burahin ang mga litrato sa digital camera. Siguraduhin lamang na anduon na sa kompyuter ang mga litrato bago magbura sa digital camera.
Pang-anim, huwag basta tanggalin ang kable na nakakabit sa kompyuter, may pinipindot upang matanggal ng maayos ang USB cable. Kadalasan ay makikita ang anunsyo sa kompyuter na Safe To Remove the Removable Media, at kapag nakita na ito ay maayos nang tanggalin ang USB cable.
|
No comments:
Post a Comment