Friday, October 14, 2011

Ano ang USB(Universal Serial Bus) Flash Drive

Makikita sa litrato sa ibaba ang iba't-ibang klase ng mga USB Flash Drive, USB cable, at USB port(ang suksukan sa mga kompyuter).


Ang USB(Universal Serial Bus sa English) ay isang napagkasunduang standard noong 1990 para sa mga kable, konektor, at protokol na ginagamit sa pag-konekta, komunikasyon at pagbigay ng koryente sa pagitan ng mga kompyuter at iba-ibang elektronikong mga gamit.

Sa madaling salita lahat na makikita ninyo na may ganitong pang-konekta sa mga kompyuter at ibang elektronikong gamit at tinatawag na isang USB cable/konektor.




Ang laki ng pinagbago ng mundo ng kompyuter simula ng lumabas ang USB Flash Drive. Unang-una na ito ang kapabilidad nitong mapagtaguan ng mga files o dokumento, litrato, bidyo, at mga musika.

Kung inyong matatandaan ang mga naunang paraan ng isang pagtatago ng files na naalis sa kompyuter ay sa pamamagitan ng mga diskette katulad ng nasa litrato sa ibaba.


At pagkatapos ng mga diskette ay naging isang paraan din pagtatago ng mga files o dokumento ay sa pamamagitan ng sa CD at DVD.



Pero hindi pa rin matapatan ng mga ito ang pagiging praktikal na USB Flash Drive lalo na nga sa sukat ng mga ito at sa laki ng mga mailalagay ng mga files.

Sa madaling salita ang USB Flash Drive ay isang taguan ng mga files na gumagamit ng teknolohiya ng USB. Ang mga files o dokumento dito ay puwedeng burahin. Palaki na ng palaki ang kapabilidad ng mga USB Flash Drive kung pag-uusapan ang sukat na maitatago o mailalagay sa loob nitong mga files o dokumento.

No comments:

Post a Comment