Maraming termino ang nadagdag sa mundo ng kompyuter lalo na sa pangkasalukuyan.
Makakatulong ang mga maiikling paliwanag lalo na sa mga baguhan sa kompyuter at para sa mga taong nag-aaral at mga may balak na bumili ng bagong computer.
Broadband - Ito ang isang kailangan ng isang kompyuter upang makakonekta sa internet. Isang koneksyon ito sa network lalo na sa internet na nagbibigay ng mabilis na koneksyon(high-speed). Kadalasan ito ay nagmumula sa binabayaran natin na tinatawag na mga internet provider. Kadalasan na rin natin na maririnig ang termino na DSL(Digital Subscriber Line) kapag pinag-uusapan ang koneksyon ng komputer sa internet. Ang pinag-uusapan na bilis dito ay kadalasang 3 hanggang 8 Mbps(Mega bits per second).
DSL(Digital Subscriber Line) - Isang teknolohiya ito ng komunikasyon upang makakonekta ng mabilis ang komputer na dumadaan sa telepono sa bahay. Ang teknolohiya na ito ay isang paraan upang magkaroon ng tuloy-tuloy na koneksyon ng komputer sa mundo ng internet na hindi naabala ang normal na paggamit sa telepono.
Bluetooth - Isang teknolohiya na napapailalim sa wireless na kung saan puwedeng makakonekta ang mga elektronikong gamit katulad ng kompyuter, printer, digital camera, cellphone, at marami pang iba ngunit sa malapitan lamang(short-range).
HDMI(High-definition multimedia interface) - Parte ng mga bagong kompyuter ito na kung saan puwedeng maikabit ang komputer sa isang HD(high-definition) na isang monitor o display at kadalasan ito sa mga bagong telebisyon na tinatawag na HDTV(mga flat TV kadalasa ang mga ito). Kapag ginamit ito sa pamamagitan ng espesyal na kable na tinatawag na HDMI cable ay naipapadala ng kompyuter sa telebisyon(HD) ang video at audio.
Ethernet - Isang teknolohiya na tinatawag sa ilalim ng Local Area Network(LAN) na kung saan ang isang kompyuter ay puwedeng makonekta sa malaking network na gumagamit ng isang kable(LAN cable).
RAM(Ramdom Access Memory) - Isang klase ito ng memory sa loob ng kompyuter na ginagamit na di-permanenteng taguan ng mga datos o files sa pagitan ng CPU at mga hardware. Dito sinasabi na kung malaki ang RAM ay magiging mabilis din ang takbo ng mga ginagawa sa loob ng computer. Kadalasan ay pinag-uusapan ito sa sukat na 2GB(Gigabytes) sa pangkaraniwang kompyuter sa pangkasalukuyan.
Itutuloy po....