Sa panahon ngayon ay usong-uso na ang paggamit ng tablet(
dati nang pina-usapan dito).
Napakaraming klase ng mga tablet at iba't-iba rin ang mga paraan ng paggamit lalo na ng pagsasalin ng mga libro o ebook na puwedeng mabasa sa tablet.
Ang pag-uusapan natin dito ay ang pangkaraniwan na paraan pero kung may rekomendasyon ang nabiling tablet ay mabuti iyon ang sundin. Ang aking paraan na suhestiyon ay generic ika nga sa mga pangkaraniwang mga tablet katulad ng Kindle Fire(na aking ginagamit) at Lenovo Idea Pad(na gamit ng aking pamangkin).
Siyempre importante ang paggamit ng USB cable sa pagitan ng tablet at kompyuter na panggagalingan ng mga librong gustong ilipat sa tablet. Kadalasan ay kasama ito sa biniling tablet.
Una ay kailangang mag-download ng mga gustong basahin na libro o ebook sa kompyuter mula sa internet. May mga suhestyon ako na puweng panggalingan ng mga libreng ebook. Marami din nabibili o may bayad na ebook pero ang pag-uusapan natin dito ay ang mga libre lang muna.
Ang mga sumusunod ang puwedeng pagkunan ng mga libreng ebook sa internet:
Marami pa ang listahan pero sa ngayon ay yan lang muna para pasimula na paghahanap ng mga gustong libro na basahin sa tablet.
Pangalawa, gagamit tayo ng libreng programa sa computer para siyang mag-manage at mag-convert ng mga libro o ebook na gustong ilagay sa tablet. Kadalasan kasi ay may kanya-kanyang format ang puwede lang ilagay sa nabiling tablet. Kaya ang trabaho ng libreng programa na ito ay i-convert ang format ng nakuhang libro o ebook mula sa internet sa nararapat na format katulad ng (.epub, .mobi....). At kadalasan ang format ng nakukuhang libro o ebook sa internet ay PDF kaya kailangan itong isalin sa maayos na format para tumakbo at mabasa sa sariling tablet. Ang libreng programa na ito ay ang
Calibre, na puwedeng makuha sa internet.
Naito ang link sa Calibre:
http://calibre-ebook.com/ (Palagiang i-scan ang mga idina-download na mga programa mula sa internet bago ito patakbuhin.) Pindutin lamang ang download at tuloy-tuloy na iyon para sa maayos na paglalagay sa inyong kompyuter.
At naito naman ang napakalinaw na paraan sa paggamit ng Calibre. Kaya lang nasusulat sa english. Marapatin na magtanong lamang kung kinakailangan. Gamitin lamang ang comments sa artikulo na ito para sakali kung may katanungan.
Magagamit ang programa na Calibre sa paglipat ng ebook sa tablet at pagsalin sa naayon na format na gusto ng sariling tablet.