Wednesday, March 28, 2012

Paano maglagay ng ebook sa tablet


Sa panahon ngayon ay usong-uso na ang paggamit ng tablet(dati nang pina-usapan dito).

Napakaraming klase ng mga tablet at iba't-iba rin ang mga paraan ng paggamit lalo na ng pagsasalin ng mga libro o ebook na puwedeng mabasa sa tablet.

Ang pag-uusapan natin dito ay ang pangkaraniwan na paraan pero kung may rekomendasyon ang nabiling tablet ay mabuti iyon ang sundin. Ang aking paraan na suhestiyon ay generic ika nga sa mga pangkaraniwang mga tablet katulad ng Kindle Fire(na aking ginagamit) at Lenovo Idea Pad(na gamit ng aking pamangkin).

Siyempre importante ang paggamit ng USB cable sa pagitan ng tablet at kompyuter na panggagalingan ng mga librong gustong ilipat sa tablet. Kadalasan ay kasama ito sa biniling tablet.



Una ay kailangang mag-download ng mga gustong basahin na libro o ebook sa kompyuter mula sa internet. May mga suhestyon ako na puweng panggalingan ng mga libreng ebook. Marami din nabibili o may bayad na ebook pero ang pag-uusapan natin dito ay ang mga libre lang muna.

Ang mga sumusunod ang puwedeng pagkunan ng mga libreng ebook sa internet:






Marami pa ang listahan pero sa ngayon ay yan lang muna para pasimula na paghahanap ng mga gustong libro na basahin sa tablet.

Pangalawa, gagamit tayo ng libreng programa sa computer para siyang mag-manage at mag-convert ng mga libro o ebook na gustong ilagay sa tablet. Kadalasan kasi ay may kanya-kanyang format ang puwede lang ilagay sa nabiling tablet. Kaya ang trabaho ng libreng programa na ito ay i-convert ang format ng nakuhang libro o ebook mula sa internet sa nararapat na format katulad ng (.epub, .mobi....). At kadalasan ang format ng nakukuhang libro o ebook sa internet ay PDF kaya kailangan itong isalin sa maayos na format para tumakbo at mabasa sa sariling tablet. Ang libreng programa na ito ay ang Calibre, na puwedeng makuha sa internet.

Naito ang link sa Calibre: http://calibre-ebook.com/   (Palagiang i-scan ang mga idina-download na mga programa mula sa internet bago ito patakbuhin.) Pindutin lamang ang download at tuloy-tuloy na iyon para sa maayos na paglalagay sa inyong kompyuter.

At naito naman ang napakalinaw na paraan sa paggamit ng Calibre. Kaya lang nasusulat sa english. Marapatin na magtanong lamang kung kinakailangan. Gamitin lamang ang comments sa artikulo na ito para sakali kung may katanungan.


Magagamit ang programa na Calibre sa paglipat ng ebook sa tablet at pagsalin sa naayon na format na gusto ng sariling tablet.


Paalaala: Palagiang maging maingat kapag nag-iikot sa internet siguraduhin na may anti-virus na tumatakbo sa computer. Siguraduhin mabuti na malinis na mga website ang pinupuntahan sa internet. At kung kinakailangan ay i-scan muna palagi ang mga bagay na kinukuha mula sa internet.

Ang mga suhestiyon na mga links at programa ay ginagamit ko rin na mula sa mga suhestiyon ng mga kilalang mga website. Katulad ng:

http://www.freewaregenius.com/2010/07/26/calibre-a-single-place-to-view-tag-and-manage-your-ebook-collection/

Salamat po.

Wednesday, March 14, 2012

Paano maglipat ng mga litrato mula sa digital camera


Isang napakahalaga ngayon sa modernong buhay ay ang maglipat ng mga litrato mula sa digital camera at smartphone(cellphone na smart) sa kompyuter para maitago ito ng permanente o mai-print sa printer.

Sa mga bagong kompyuter o laptop, kasama na ang mga tablets, ang isang pangkaraniwan na paraan ay ang paggamit ng USB cable na kadalasan ay kasama sa pagkakabili ng digital camera.

USB cable(ito ang parte na ikinakabit sa kompyuter). Sa kabilang dulo ng kableng ito ay may  maliit na konektor na ikinakabit sa digital camera.


Kadalasan ay hindi na kailangan ang ispesyal na programa para mailipat ang mga litrato mula sa digital camera. Pero kung medyo may kalumaan ang kompyuter na ginagamit minsan ay kailangan ang ispesyal na programa.

Una, kapag ililipat na ang mga litrato mula sa digital camera ay ikabit lamang ang angkop na USB cable sa camera at sa kompyuter(sa angkop na saksakan na USB port sa kompyuter/laptop).

Pangalawa, kapag magkakabit na ang digital camera at kompyuter ay kadalasan ay may lalabas na sasabihin sa harap ng kompyuter na magsasabi kung ano ang gustong gawin. Para sa akin ay mas maganda na gamitin ang Explore mula sa pagpindot ng Start(may arrow sa litrato).



Pangatlo, kapag napindot na ang Explore ay pindutin naman ang My Computer at makikita ang kahawig sa ibaba.

Sa ilalim ng My Computer ay makikita ang ikinabit na digital camera at kapag pinindot ang litrato na may digital camera ay lalabas sa screen ng litrato ang mga mukha ng mga kinunan na litrato. Dito magagamit ang salitang drag and drop.

Pang-apat, pindutin lamang ang My Documents( katulad ng nasa litrato sa itaas) at makikita ang My Pictures. 

Panglima, i-drag and drop lamang ang mga litrato papunta sa My Pictures.

Kapag nailipat na ang mga litrato sa My Pictures ay puwede na rin na burahin ang mga litrato sa digital camera. Siguraduhin lamang na anduon na sa kompyuter ang mga litrato bago magbura sa digital camera.

Pang-anim, huwag basta tanggalin ang kable na nakakabit sa kompyuter, may pinipindot upang matanggal ng maayos ang USB cable. Kadalasan ay makikita ang anunsyo sa kompyuter na Safe To Remove the Removable Media, at kapag nakita na ito ay maayos nang tanggalin ang USB cable.